Maligayang Pagdating sa FableReads!

Ang aming misyon ay gawing libre at abot-kamay para sa lahat ng bata sa buong mundo ang mga pabula mula sa iba't ibang kultura, nang walang anumang patalastas. Ang aming plataporma ay naghahandog sa mga magulang, guro, at bata ng mga hindi malilimutang kwento na nagpapalawak ng imahinasyon at kritikal na pag-iisip, at naghihikayat ng mahahalagang talakayan tungkol sa tamang asal at mga aral sa buhay.

Mga Tampok ng FableReads

Libre at Walang Anumang Patalastas

Naninindigan ang FableReads na magbigay ng libreng access sa aming koleksyon ng mga pabula nang walang mga nakakagambalang patalastas, upang masiguro ang tuluy-tuloy na karanasan sa pagbabasa.

Magandang Karanasan sa Pagbabasa

Nagsusumikap kami na paunlarin ang isang mahusay na karanasan sa pagbabasa gamit ang night mode para sa pagbabasa bago matulog, pagpipilian ng mas malaking font, mga ilustrasyon, at iba pa.

Malawak na Koleksyon ng Pabula

Mayroon kaming daan-daang pabula sa Ingles, na may iba’t ibang koleksyon na nakaayos ayon sa mga tema para sa maraming oras ng pagtuklas at kasiyahan. Sa ngayon, mayroon kaming 20 piling pabula sa Filipino, at patuloy kaming nagtratrabaho para mapalawak pa ito.

Mga Listahan ng Sikat na Pabula

Nag-hahanap at gumagawa kami ng mga listahan ng mga pabula na kilala sa iba’t ibang bahagi ng mundo pati na rin mga listahan ng pabula na naglalaman ng mga partikular na temang may hatid na aral.

Interaktibo at Nakaka-engganyo

Sinisikap namin na gawing interaktibo at mas nakaka-engganyo ang pagbabasa ng mga pabula. Abangan ang mga bagong tampok, mga punto ng talakayan tungkol sa mga pabula, mga kasabihan, quizzes, at marami pang iba.

Masayang Pagbabasa

Plano naming subukan ang muling pagsulat ng mga klasikong pabula sa iba't ibang istilo ng pagsusulat, kabilang ang mga anyo ng tula o nakakaaliw na mga dayalogo na katulad ng mga modernong animated na pelikula.

Iba’t Ibang Wika

Layunin namin na magbigay ng mga pabula sa iba't ibang wika, upang mas mapadali ang pagtuklas ng iba’t ibang pananaw na pangkultura at mapalawak ang kaalaman sa wika. Patuloy kaming nagsisikap upang palawakin pa ang mga pabula na isasalin.

Bakit Pabula?

Ang mga pabula ay mahalaga sa kasaysayan dahil sa kanilang kakayahang magbigay-aliw, magturo, at magbigay-inspirasyon. Sa pamamagitan ng mga karakter na hayop, mahiwagang elemento, at mga aral na nakapaloob sa mga kwento, ang mga pabula ay nagbibigay ng natatanging paraan upang mapaunlad ang imahinasyon, palakasin ang kritikal na pag-iisip, at maghatid ng makabuluhang talakayan.

  • Madaling Maunawaan at Nakakaengganyo

    Ang mga pabula ay mga walang-kupas na kwento na naglalaman ng malalim na aral. Sa pamamagitan ng mga karakter na hayop na kumakatawan sa iba't ibang birtud at kahinaan, ang mga pabula ay nagpapasimple ng mga komplikadong konsepto sa mga kwentong madaling maunawaan, na humihikayat ng masusing pagninilay.

  • Pagpapalawak ng Imahinasyon at Paghihikayat ng Pagtuklas

    Sa pamamagitan ng malikhaing mga tagpuan, masiglang pagsasalaysay, at mga karakter na hayop na may katangiang pantao, ang mga pabula ay umaakit sa imahinasyon. Ang mga maikling kwentong ito, na maaaring basahin sa iba't ibang format at wika, ay nakakatulong sa pagbasa at pag-unawa sa kuwento sa anumang antas ng kakayahan. Nagbibigay-daan ito sa mga magulang, guro, at mga bata upang magkaroon ng makabuluhang mga pag-uusap.

  • Pag-uudyok ng Makabuluhang Pag-uusap

    Ang mga pabula ay nagsisilbing tulay para sa mga talakayan, lalo na sa mga magulang, guro, at bata. Hinihikayat nila ang komunikasyon, empatiya, at moral na pag-iisip, na angkop para sa makabuluhang usapan.

Sumali sa Komunidad ng FableReads

Maging bahagi ng lumalaking komunidad ng FableReads! I-follow kami sa social media, mag-subscribe sa aming newsletter, at manatiling updated sa mga bagong pabula, mga pagsasalin, at mga kapanapanabik na tampok. At marami pang darating...

Suportahan ang Aming Misyon

Ang FableReads ay nakatuon sa pagbibigay ng libreng access sa aming koleksyon ng mga pabula, nang walang mga nakakaistorbong patalastas, para masiguro ang walang abalang karanasan sa pagbabasa. Dahil sa aming limitadong kakayahan sa pag-promote at pagpapaunlad ng website, hinihikayat naming ipaalam sa iba ang tungkol sa libreng mapagkukunang ito upang mas marami ang makadiskubre nito. Kung nais mong magbigay ng dagdag na tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa amin o i-click dito upang magbigay ng suporta.

Suportahan ang Aming Misyon

Sino ang Mga Nasa Likod ng FableReads?

Ang FableReads ay sinimulan at pinondohan ni Anders Sundelin sa pamamagitan ng Sundelin Development AB, na nakabase sa Sweden. Ang mga pabula ay maingat na pinili at iniilustrado ng mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, na pinangungunahan nina Leah May Autentico at Angel Julie Sevilla, na nakabase sa Pilipinas, at siya ring bumuo ng website. Ang dalawang anak ni Anders, sina Eleonore at Sophie, na nasa elementarya pa, ay tumutulong sa mga pagsasalin sa Swedish sa pamamagitan ng pagbibigay ng feedback. Gusto mo bang mag-ambag sa FableReads? Suriin ang mga pabula na naisalin sa iyong wika?